Monday, July 26, 2010

Nutri-jingle,ginanap; V-Mapagmahal,kampyon

Nutri-jingle,ginanap;
V-Mapagmahal,kampyon

Hulyo.Kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisiyon, nagpakitang gilas ang mga mag-aaral na kasali sa school level mula ikaapat hanggang ikaanim sa na baitang sa nutri-jingle competition na ginanap sa entablado ng MMSU-LES, Hulyo 26.

Napanalunan sa taong ito ang unang gantimpala ng ikaapat na grupo na nasa V-Mapagmahal, ikalimang baitang. Ang nasabing grupo ay pinangungunahan ni Don Rico Calaycay.

Pumangalawa naman ang ikalimang grupo na nasa VI-Masipag, ikaanim na baitang. Ang lider naman ng grupo ay si Keana dela Rosa.

Nakamit ang ikatlong gantimpala ng VI-Masipag, ikaanim na baitang na pinangungunahan ng kanilang lider na si Steven Louise Corpuz.

“Sa pagkaing tama at sapat, wastong timbang ni baby ang katapat”, ang naging tema ng Buwan ng Nutrisyon sa taong ito.





Binabati namin ang lahat ng mga nakilahok sa patimpalak na ito. Panalo man o talo lahat pa rin kayong lahat ay magagaling dahil ipinakita niyo lahat ang inyong makakaya at angking galing sa pag-awit ng inyong Nutri-jingle. Gayundin ang pagbati sa lahat ng mga guro, hurado at namamahala sa selebrasyong ito sa pangunguna ng EPP Club na pinamumunuan ng pangunahing tagapayo na si Dr. Norma T. Galarita.

Isang paumanhin sa mga grupong nanalo sa hindi paglathala ng lahat ng mga miyembro na kasapi. Sa mga nakakaalam ng kompletong listahan ng mga miyembro sa mga nabaggit na grupo pwedeng ipadala sa ating e-mail address na abc_filipino@yahoo.com upang maisali sa artikulong ito.

 


No comments:

Post a Comment