Friday, October 30, 2009

Patnugutan (Editorial Staff)

Patnugutan
MMSUs ABC-Filipino
Taong Panuruan 2009-2010


Punong Patnugot

Lhorie Danne Jeanthrix P. Andres

Pangalawang Patnugot
Hannah Mae dela Cruz

Mga Taga-ulat
Soheyla Mae Liao
Francheska Marie Salacup
Edel Kristen Barcarse
John Arvin Calaycay
Roselin Hazel Ranjo
Allana Jane Santos
Georjianne Nicolai Santiago
Rhea Joy Diculen
Beatrice Valera
James Daniel Ramos
Marian Paguirigan
Pauline Joyce Sebastian

Dibuhista
Andrea Kate Cristobal

Retratista
Hannah Gayle Hernandez

Mga Tagapayo
General M. Valdez(main)
Leizel Concepcion
Janeth D. Mamuad
Joel Perdido
Gorge Bagaoisan




ABC-FILIPINO, nasa internet na!

"Ang panahon ay sumusulong hindi umuurong!"

Naniniwala ang patnugutan ng MMSUs ABC-Filipino Edition na kaya nitong makipagsabayan sa mabilis na takbo ng teknolohiya. Kaya naman, hindi na lang sa papel ninyo mababasa ang mga iba't ibang artikulo sa ating pahayagan kundi pati na rin dito sa blogspot. (oh, di ba may konting pagkasosyal?) Ngunit, hindi pagkasossy talaga ang nais namin dito, ang ang nais namin ay magkaroon ng interaksyon o kayang makipag-ugnayan sa mga mambabasa na kalimitang nasa harap ng personal computer na halos nauubos ang oras sa paglalaro ng farm ville, mafia wars , dota o online games or dili naman kaya ay nakikipagchat, nakikichika lang, nanonood lang ng photos, nagcocoment at kung ano-anu pa na applications na pwede nilang kalikutin. Basta sikat pwede. Tama ba?

Pumasok sa isipan ng patnugutan na magkaroon ng pamamaraan upang mabasa ang mga nasa pahayagan na kalimitang pagkabigay nito sa kanila ay naisasantabi na lang, hindi pinapansin, inaalikabok o iniiwan na lang sa isang sulok. Ang masaklap pa nito na baka sa basurahan o ginagawang panggatong na lang ang pahayagan, ginagagawang pamunas, pambalot at iba pa at ang mas masakit tanggapin (super yuck), baka gamitin pa na pamunas ng ebak. (Yuckk) Huwag naman sana.

Halah, mga KaABC, (tawag ko sa mga sumusuporta sa MMSUs ABC), inaanyayahan ko kayo na makisali, makibahagi at maki-blog na! Hmmm, kahit konting oras lang at konting pansin ang ibigay niyo dati bago kayo magharvest or makipagpatayan sa mga kamafia ninyo(hehehe). Magbasa, Magmasid at magbigay ng komento!

Nais ng buong patnugutan na talakayin ang iba't ibang isyung pampaaralan at magbigay ng impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa loob at labas ng silid-aralan.

Hinihikayat din na kung may mga natatangi kayong mga tula, maikling kuwento o balita kaugnay ng mga events na nagyayari sa paaralan, huwag kanag mahiya na ibahagi ito. Join ka na kaABC!

Halah, hangang dito muna tayo sa first post na ito. marami pa ang susunod.

Sa mga nais subaybayan ang blog na ito pwede rin tingnan ang iba pang social networking na makikita ang ABC-Filipino.

Facebook: abc_filipino@yahoo.com
Friendster: (coming soon)
Blog: www.abcfilipino.blogspot.com
YM: abc_filipino@yahoo.com
G-mail:abcfilipino@gmail.com

Website: (coming soon)
Furom: (coming soon)