Friday, July 9, 2010

Bagong Simula Para sa Pagbabago! Bagong mga Programa!

Isang mabisang kasangkapan ang pagkakaroon ng ganitong social networking dahil napapabilis ang daloy ng kumunikasyon sa lahat ng mga mag-aaral at mga dati ng mag-aaral ng MMSU-LES.

Kaya naman, naisipan ng buong patnugutan ng ABC-Filipino na magkaroon ng partisipasyon ang publiko sa pamahayagang papel na bubuin ng mga miyembro ng patnugutan. Narito ang ilan sa mga nais isagawang layunin ng ABC-Filipino sa taong ito:

1. mabuksan sa lahat ng mga mag-aaral ng MMSU-LES at mga dating mag-aaral ng LES ang malayang pamamahayag gamit ang facebook at iba pang networking tools;

2. mahikayat ang mga mag-aaral ng LES kasama na ang mga magulang at mga alumni ng paaralan na magpadala ng mga artikulo o mga topiko na maaring gawan ng balita(news), pangulong-tudling(editorial) at mga kapana-panabik na mga istorya gamit ang lathalain(feature) at tungkol sa pampalakasan(sports);

3. magkaroon ng sapat na pondo ang patnugutan upang maisagawa ang mga ang pag-iinterbyu at coverage sa mga lugar sa buong Ilocos Norte pati na rin ang karatig lalawigan nito;

4. mahasa ang mga miyembro ng patnugutan ng LES kasama na ang mga broadcasters sa Filipino pati na rin ang lahat ng mga tagapayo sa pamamagitan ng pagdalo sa mga seminars at workshop;

5. mag-imbita ng mga batikang manunulat sa mga ibang pahayagan gaya ng SIRMATA at CTE Bulletin upang mas malinang ang kaalaman ng mga manunulat at mga tagapayo;

6. mapaunlad ang blog site ng ABC-Filipino kung saan mailalathala ang mga artikulo ng mga miyembro ng patnugutan, ibang kontribyutors at mga artikulong naipadala;

7. maparami ang bilang ng pahina ng pampamahayagang papel ng MMSUs ABC-Filipino;

8. mapasama ang mga mag-aaral sa Batac bilang mga bagong correspondents;

9. mapatibay ang solidong samahan ng ABC-Filipino at ABC-English para sa ikagaganda pa lalo ng pamahayagan; at

10. makakonekta sa mga alumni na nasa ibang bansa para sa mas malawak na talakayan.

Kaya, malaki ang magiging partisipasyon mo sa hakbang na ito. Makibahagi, makialam at makibalita sa amin.

(Pansamantala, ang anumang suhestiyon, opinyon, kontribusyon o tulong ay ipadala muna sa e-mail na abc_filipino@yahoo.com o maari din na magpost sa pader o (wall) ng ABC-Filipino o dili kaya ang magpadala ng pribadong mensahe(private message))

Inaasahan po namin ang malaking tulong ninyo. Maraming salamat po!


-GV

No comments:

Post a Comment