Monday, July 26, 2010

Nutri-jingle,ginanap; V-Mapagmahal,kampyon

Nutri-jingle,ginanap;
V-Mapagmahal,kampyon

Hulyo.Kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisiyon, nagpakitang gilas ang mga mag-aaral na kasali sa school level mula ikaapat hanggang ikaanim sa na baitang sa nutri-jingle competition na ginanap sa entablado ng MMSU-LES, Hulyo 26.

Napanalunan sa taong ito ang unang gantimpala ng ikaapat na grupo na nasa V-Mapagmahal, ikalimang baitang. Ang nasabing grupo ay pinangungunahan ni Don Rico Calaycay.

Pumangalawa naman ang ikalimang grupo na nasa VI-Masipag, ikaanim na baitang. Ang lider naman ng grupo ay si Keana dela Rosa.

Nakamit ang ikatlong gantimpala ng VI-Masipag, ikaanim na baitang na pinangungunahan ng kanilang lider na si Steven Louise Corpuz.

“Sa pagkaing tama at sapat, wastong timbang ni baby ang katapat”, ang naging tema ng Buwan ng Nutrisyon sa taong ito.





Binabati namin ang lahat ng mga nakilahok sa patimpalak na ito. Panalo man o talo lahat pa rin kayong lahat ay magagaling dahil ipinakita niyo lahat ang inyong makakaya at angking galing sa pag-awit ng inyong Nutri-jingle. Gayundin ang pagbati sa lahat ng mga guro, hurado at namamahala sa selebrasyong ito sa pangunguna ng EPP Club na pinamumunuan ng pangunahing tagapayo na si Dr. Norma T. Galarita.

Isang paumanhin sa mga grupong nanalo sa hindi paglathala ng lahat ng mga miyembro na kasapi. Sa mga nakakaalam ng kompletong listahan ng mga miyembro sa mga nabaggit na grupo pwedeng ipadala sa ating e-mail address na abc_filipino@yahoo.com upang maisali sa artikulong ito.

 


Friday, July 16, 2010

Mga Mag-aaral ng Pasok sa Ikalawang Pagpipili (Second Screening)

Naglevel up ka na!

Matapos ang masusing pagsusuri ng mga iba’t ibang artikulo sa sinalihang kategorya sa unang pagpipili, nagkaroon na nang resulta ang sinalihang patimpalak. Narito ang mga mapapalad na nakapasok sa unang pagpipili sa bawat baitang:

Ikaapat na Baitang
1. Marycel Aison
2. Aleeya Failoga
3. CJ Calapini
4. Grace Nina Aldos
5. Joselito Ramos
6. Sai Lauren Cristobal
7. Art Jaspher Pascua

Ikalimang Baitang
1.Steward Niῆo R. Chua
2. Harlene Christine C. Dugay
3. Marielle Denise Dela Cruz
4. Lorenz Guerrero
5. Don Rico Calaycay

Ikaanim na Baitang
1. Camille Anne V. Aguinaldo
2. Camille Obra
3. Pauline Louise M. Tomas
4. Martha Karmela Ysabell Sales
5. Graham Brian Francisco
6. Alvin Ralph A. Tungpalan
7. AJ Mangussad

Ikaapat na Baitang ( Batac Campus)
1. Raina Nalupta
2. Izel Fernandez
3. Nicole Dangcil
4. Joanna Pojas
5. Ferdinand Casil
6. Dylan Alega
7. Jessaflor Cadano
8. Catherine Saguiguit
9. Nadia Cayabyan
10. Elaine Gapas

Kasali na rin ang mga dating miyembro ng patnugutan ng MMSUs ABC Filipino Edition sa nakaraang taon. Narito ang kanilang mga pangalan:

1. Hannah Mae dela Cruz
2. Edel Barcarse
3. James Ramos
4. Roseline Ranjo
5. Francheska Salacup
6. Allana Jane Santos
7. Beatrice Valera
8. Andrea Kate Cristobal

Ang mga nakasulat na pangalan ay mga opisyal na kasali sa ikalawang pagpiili na gaganapin sa Sabado, Hulyo 17, 2010 sa silid ng III-Masunurin ng MMSU-LES, Lungsod ng Laoag.

Mga naging hurado sa LES-LAOAG
1. G. General M. Valdez
2. Bb. Janeth D. Mamuad
3. G. Joel V. Perdido

Mga naging hurado sa LES-Batac
1. Bb. Mariejane Alcon
2. Bb. Glaiza Pobre
3. G. Julius Pumaras

-GV

Friday, July 9, 2010

Natuto Ako sa Facebook-Micah Villasensor


Natuto Ako sa Facebook

1
Ako, mula pagkabata may nakahiligan
Paghahanap ng sagot sa bawat katanungan
Pagsasaliksik sa internet aking naisipan
Para madagdagan aking kaalaman
2
Hayy, Facebook biglang naging kaibigan
Hindi lang ito libangan,marami pa matutunan
Mas mabilis na pag-uusap sa kaibigan
Marami rin makikitang pagtatrabahuan
3
Iba-ibang balita, dito ko na mababasa
Instant chat sa lahat ng kakilala
Mas mabilis pa ang pag-uusap sa ibang bansa
Mahal sa buhay, malilinaw na nakikita
4
Iba-ibang kwento ng buhay
Larawang makukulay
Kaibigang tunay
Dahil sa Facebook, mga mahal sa buhay di na mawawalay

Ito ang unang padala sa ating e-mail ng isang baguhang manunulat. Ang tulang ito ay pinadala ni Micah Villasensor, mag-aaral ng LES na nasa ikatlong baitang ng III-Mabait.

Si Micah ay hilig makinig sa musika at magsulat ng role playing. Siya rin ay magaling umawit at ito na rin ang kanyang naging libangan. Natuto siya na sumulat ng tula sa mga nababsa niyang aklat at sa kanyang sariling kakayahan.

Ang naging topiko niya ay tungkol sa facebook dahil ito ang usong uso na ginagamit ngayon ng mga kabataan. Ipinakita niya sa kanyang tula na malaking tulong sa kanya ang facebook. Sa madaling salita, marami siyang natutunang magandang bagay dito.


Isang Bukas na Liham


Para sa mga guro at mag-aaral,

Magandang araw!

Isa sa mga layunin ng pahayagan ay mabigyan ng opurtunidad ang mga mag-aaral sa LES-Batac na kabahagi ng aming patnugutan. Ito ay isang paraan na makatuklas ng bagong sibol na mga manunulat sa inyong paaralan.

Narito ang ilan sa mga tuntunin para sa pagpipili ng mga miyembro ng patnugutan:

1. Lahat ng mga mag-aaral sa ikaapat na baitang ay kwalipikadong sumali sa pamamahaya para sa unang pagpipili (first screening).

2. Magpapasulat ang guro ng tatlong kategorya. Ito ay pagsulat ng balita lathalain at editoryal.

3. Tatlong (3) guro sa Communication Arts o nagtuturo sa Filipino kasama na rito ang tagapayo (adviser) ang magsisilbing hurado o tagahatol sa unang pagpipili.

4. Ang sampung pinkamataas (top ten) ang iskor ang papasok para sa ikalawang pagpipili (second screening).

5. Iimbitahan ang mga mag-aaral sa LES-Laoag para sa ikalawang pagpipili.Makikinig sa ilang mga lektyur ng mga tagapayo.

6. Ang mapipiling tatlo ang opisyal na taga-ulat (correspondents) at kabahagi na ng MMSUs ABC.

*Gaganapin na ang ikalawang pagpipili sa susunod na Sabado, ika-17 ng Hulyo, 2010. Abangan ang mga pasok sa LES-Laoag at top ten ng Batac.


Ang English-Edition ay may sariling tuntunin ukol sa pagpipili. Abangan din ang kanilang tuntunin o guidelines.

-GV

Bagong Simula Para sa Pagbabago! Bagong mga Programa!

Isang mabisang kasangkapan ang pagkakaroon ng ganitong social networking dahil napapabilis ang daloy ng kumunikasyon sa lahat ng mga mag-aaral at mga dati ng mag-aaral ng MMSU-LES.

Kaya naman, naisipan ng buong patnugutan ng ABC-Filipino na magkaroon ng partisipasyon ang publiko sa pamahayagang papel na bubuin ng mga miyembro ng patnugutan. Narito ang ilan sa mga nais isagawang layunin ng ABC-Filipino sa taong ito:

1. mabuksan sa lahat ng mga mag-aaral ng MMSU-LES at mga dating mag-aaral ng LES ang malayang pamamahayag gamit ang facebook at iba pang networking tools;

2. mahikayat ang mga mag-aaral ng LES kasama na ang mga magulang at mga alumni ng paaralan na magpadala ng mga artikulo o mga topiko na maaring gawan ng balita(news), pangulong-tudling(editorial) at mga kapana-panabik na mga istorya gamit ang lathalain(feature) at tungkol sa pampalakasan(sports);

3. magkaroon ng sapat na pondo ang patnugutan upang maisagawa ang mga ang pag-iinterbyu at coverage sa mga lugar sa buong Ilocos Norte pati na rin ang karatig lalawigan nito;

4. mahasa ang mga miyembro ng patnugutan ng LES kasama na ang mga broadcasters sa Filipino pati na rin ang lahat ng mga tagapayo sa pamamagitan ng pagdalo sa mga seminars at workshop;

5. mag-imbita ng mga batikang manunulat sa mga ibang pahayagan gaya ng SIRMATA at CTE Bulletin upang mas malinang ang kaalaman ng mga manunulat at mga tagapayo;

6. mapaunlad ang blog site ng ABC-Filipino kung saan mailalathala ang mga artikulo ng mga miyembro ng patnugutan, ibang kontribyutors at mga artikulong naipadala;

7. maparami ang bilang ng pahina ng pampamahayagang papel ng MMSUs ABC-Filipino;

8. mapasama ang mga mag-aaral sa Batac bilang mga bagong correspondents;

9. mapatibay ang solidong samahan ng ABC-Filipino at ABC-English para sa ikagaganda pa lalo ng pamahayagan; at

10. makakonekta sa mga alumni na nasa ibang bansa para sa mas malawak na talakayan.

Kaya, malaki ang magiging partisipasyon mo sa hakbang na ito. Makibahagi, makialam at makibalita sa amin.

(Pansamantala, ang anumang suhestiyon, opinyon, kontribusyon o tulong ay ipadala muna sa e-mail na abc_filipino@yahoo.com o maari din na magpost sa pader o (wall) ng ABC-Filipino o dili kaya ang magpadala ng pribadong mensahe(private message))

Inaasahan po namin ang malaking tulong ninyo. Maraming salamat po!


-GV