Thursday, March 24, 2011

Class Prophecy (Time Machine)

TIME MACHINE

(Sa panulat ni GV)

Sa wakas nabuo na ang imbesyon na pinaghirapan nina Dr. Gorge at Dr. Leizel na bagong tuklas na makina. Isang time machine. Halos taon din ang ginugol nila upang mabuo ito. Sobrang saya ng dalawang siyentista at sabik na silang subukan kung ito ay matagumpay na nabuo.

Pumasok silang dalawa sa makina. Tumunog ang makina. Ilang sandali lamang ay bigla na silang naglaho.

2041. Luminga-linga ang dalawang siyentista sa paligid. Ang buong paligid ay sadyang makabago. Marami ang ilaw. May lumilipad na sasakyan. Mga robot ang nagwawalis sa kalye. Ang mga damit ng tao ay disenyong parang metal at kusang nagpapalit ng kulay kung gusto. Ang mga gusali ay nakalutang sa ere. Ang mga kalye at nagbubukas sa ilalim. Sadyang makabago talaga ang nakikita ng dalawa.Hindi maikakaila na gumana nga ang kanilang time machine. Pero bigla itong pumutok. Tiningnan nila at nasira.

Binalak ng dalawa na galugarin ang paligid kung ano ang bago nilang makikita. Nakakita sila ng isang napakalaking billboard na umiilaw at nagsasalita. Tatlong sikat na fashion model na nakasuot ng eleganteng damit na tila napakamahal ang bayad. Sa baba nito nabasa nila ang nakasulat, Top Fashion Models: Angela Castro, Florence Salvador, at Reign Alejandro. “Wow!,” Sabi ni Dr. Gorge. “Mga mag-aaral natin yan ha,” winika naman ni Dr. Leizel. At lalo silang natuwa nang makita nila na ang nagdisenyo ng mga damit nila ay mga bigating fashion designer na sina, Pauline Tomas, Abigail Pidong at Andrea Cristobal na nagmamay-ari ng pinakasikat na Fashion Company.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Nagtanong sila sa nakasalubong kung saan sila pwedeng kumain. Isang pulis ang nakausap nila. Gwapong-gwapo ang porma. Nakasuot ng umiilaw na eyeglasses. Nalaman nila na ito pala ay si Police Chief Superintendent John Michael Bonoan. Hindi nagpahalata ang dalawa na kilala nila ang taong nagtanungan nila.

Pumasok sila sa isang restawrant. The Super Sarap Restaurant. Ito ang pangalan ng kanilang kakainan. Talagang makalaglag laway ang sarap ng mga pagkain na nandoon. Nais nilang kilalanin kung sino ang nagmamay-ari ng restaurant. Sina Andrew Palacay At Stephen Pascual pala. Sila na rin ang mga mga pinakamamagaling na chef ng buong bayan. Muling ngumiti ang dalawa.

Paglabas ng kainan ay biglang nagpalit ang daanan. Biglang may bumalkot sa kanila na salamin. Biglang umandar. Hindi ka napala maglalakad. Aapak ka na lang at kusang bubuhatin ang iyong mga paa sa gustong tunguhan. Nabigla ang dalawa. At nakita nila ang nakatatak sa machine na kanilang inaapakan. Constructed by: Engr. Alvin Tungpalan, Engr. Mark Ubaldo, at Engr. Gian Carlo Calma.

Habang sila ay nakasakay. Nakita sila ng barko sa gitna ng daan. Talagang kakaiba na. At ang nakasulat sa barko ay Mangussad Shipline na pagmamay-ari ng mayaman at dating kapitan ng na si AJ Mangussad na humahanaga sa isang sikat na pop singer.

Nakakita ang dalawa ng kumpol ng tao. Doon sila nagtungo at inusisa kung ano ang mayroon. Isa palang concert. Isinisigaw ng mga fans ang pangalan ni Jude Hernandez at Kena dela Rosa. Mga sikat na pop singer at guitarist. Nakisigaw na rin ang dalawa sa lubos na kasiyahan. At lalong dumagundong ang sigawan nang lumabas na ang pinakahihintay na Soul Diva si Lian Renee Noble. Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagtaas ng kanilang sariling mga posters.

Gumabi na at tumuloy ang dalawa sa isang 5 star hotel. Isang nakakalulang skyscraper na halos di muna makita ang dulo nito sa itaas. Napag-alaman nila na ang nagmamay-ari pala ng pinakamalaking hotel sa buong mundo ay mga mayayamang negosyante na sina James Ramos, Cyril Reyes, Richmond Tamayo at Hadriane Respicio. Nagtinginan ang dalawa. Sila’y namangha.

Habang nagpapahinga, binuksan nila ang telebisyon. Sa balita, pinararangalan ang mga sundalong nagligtas sa libu-libong tao dahil sa terorismo. Sina 5 star General Lawrence Arzadon, 4 star General Reyzen Gardaya, Air Force Commander Rafael Gapuzan, dalawang Colonel ng Navy na sina Allen Glen Marders at Jemuel Red. Binati ito ng pangulo ng Pilipinas na si Pres. Marlo Franco Manuel sa kanilang kadakilaang ipinakita. Sa pagwawakas ng balita binanggit ng dalawang reporter ang kanilang pangalan. “Ako si Cheska Felipe. At ako naman si Erick David Paz, kami ang mga Patrol ng Pilipino”.

Inilipat nila ang istasyon. Napanood na rin nila na ang koponan ng Philippine Team ay siyang nanalo sa Olympics dahil sa kahusayan nina Nathan “The Mighty Star” Licuan, Ian “ The Tank” Aurelio, Estephen “The Mega Slasher” Asuncion at Clifford “El Calibre” Luis. Pinagkakaguluhan na rin sila ng mga sports fans sa kahit anong bansa sila magpunta.

Sa kabilang banda meron na ring bagong soap opera ang mga de-kalibreng artista na sina Mary Angeline Castro, Angelika Cadiz, Louise Miguel at Therence Joy Jamias. Ganun din ang mga bagong Hunks ay mayroong na ring sikat na pelikula na pinagbibidahan nina Daryll Andres, Richmond Tamayo, Smile Villanueva at Sydney Salvador. Ang magiging direktor ay si Mary Grace Gameng na nagtamo ng Nobel Peace Prize Award dahil sa kanyang mga pelikula.

Hindi makapaniwala ang dalawa sa kanilang napapanood pero ang mga mag-aaral nila ang mga pinakasikat na tao. “Talagang malaki na ang pinagbago nila,” sambit ng dalawang siyentista.

Kinaumagahan ay handa na naman ang dalawa sa paggagalugad kung ano pa ang kanilang madidiskubre. Habang nakaupo si Dr. Gorge sa receiving area ng hotel napansin nila ang dalawang malalaking painting na sobrang makatawag pansin dahil sa sobrang laki nito at ganda. Nilapitan niya ito. Nalaman niya na pininta pala ito nina Martha Sales at Elaine Baria.

Hinawakan ni Dr. Leizel naman ang isang magazine. Nagbasa siya. Napaiyak siya sa ganda ng artikulo na nakasulat. Agad niyang pinuri ang may-akda na si Hanna Dela Cruz na isang editor-in-chief ng isang sikat na pahayagan kasama niya ang kanyang best friend na associate editor na si Alicia Dumlao. Mayroon na rin silang sariling printing press. Nabasa rin nila ang tungkol sa new society sa pahayagan. Nais alaming ng dalawang siyentista kung ano ito subali’t kailangan nilang sumakay ng eroplano.

Habang nakasakay sila,napansin nila na ang mga flight attendants ay mga dati rin nilang mag-aaral na sina Roseaane Miguel, Dorotea Hoover, Jasmin Domingo, Bea Catcatan at Katrina Bareng. Nakilala nila ang mga ito dahil sa kanilang name tag na nakasabit sa kanilang damit. “In just 5 minutes we are about to land. This is your captain speaking Ryan Alonzo”. At ang kanyang co-pilot ay si Christopher Rivera.

Nang nandoon na sila sa new society. Laking gulat nila na makita nilang ang gandang arkitekto ng mga gusali sadyang malayo sa imahinasyon na kanilang makikita dahil sa pinagsamang makaluma at makabago. Nalaman nila na ang nagdisenyo pala nito ay ang pinasama-samang kaisipan ng mga pinakamagagaling na arkitekto na sina Allana Santos, Mikaella Castillo, Jasper Sunga at Lawrence Ford Caleon.

Habang sila ay naglalakbay, napansin nila ang isang botanical garden na sobrang lawak na punong-puno ng mga magagandang bulaklak at mga gulay. Ito ang Lagutan’s Garden na pagmamay-ari ni Reig Noel. Sa di inaasahang pangyayari, natuklaw ng ahas si Dr. Leizel. Kaya agad siyang itinakbo sa pinakamalapit na ospital.

Inasikaso siya agad ng mga doktor. Sa isang iglap nawala ang kamdag ng ahas dahil sa bagong teknolohiyang panghigop na ginamit at dahil na rin sa galing ng mga doktor. Gusto niyang pasalamatan ang mga doktor na nagpagaling sa kanya kaya nakilala niya na sila pala ay sina Doctor Jasper Sunga at Doctor Karle Padilla kasama ang kanilang mga maasikasong mga nurse na sina Jhian Ilaga at Czarina Gapusan.

Sa kabilang banda, nakita ni Dr. Gorge sa directory ng ospital na ang mga pangalang ito: Dr. Ysabel Agcoili, isang surgeon; Dr. Asherina Pascual, isang pediatrician, Dr. Camille Daynos, isang nutritionist; Dr. Cerx Lim, isang ophthalmologist; Dr. Karline Antonio at Dr. Camille Obra, isang Ob-Gyne. Nandoon na rin nakalagay ang pinakasikat na pharmacist at manufacturer ng mga gamot si Patricia Crisologo. At ang nagmamay-ari ng buong ospital ay si Dr. Deirdre Puño na nag-aaral pa ng pagkaabogasya.

Nang makalabas na sila nang ospital ay nagulat sila nang may biglang tumawag sa kanilang pangalan. May nakakakilala sa kanila. Papalapit ang dalawa. Napag-alaman nila na sina Camille Aguinaldo na sa panahong iyong ay may sariling laboratory dahil sa pagiging magaling na mathematician at si Edel Barcarse na isang CPA lawyer. Tulala ang dalawa. Sa puntong iyon sinabi ng dalawang siyentista ang kanilang problema tungkol sa time machine. Nag-isip ang magkaibigan. Isang magaling na software engineer ang makatuutlong sa kanila. Siya ay si Engr. Graham Francisco.

Dahil sa tulong ng tatlo nakabalik nang mahusay ang dalawang siyentista sa dating panahon na kanilang kinabibilangan.

2011. Tumunog ang kampana. Tapos na pala ang pinapanood na isang munting video presentation ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang. Lahat ng mga pangyayari ang sadyang nasiyahan ang mga batang nasa mas mababang baitang.

“Sana makasama ako kay Dr. Gorge at Dr. Leizel sa kanilang time machine upang makita ko na kung sino ako pagkatapos ng tatlumpung taon,” wika ng batang katatapos lamang manood.

Tumayo siya at tumakbo papalayo sabay ang pag-unat ng kanyang mga kamay na parang ibon. Tila may pag-asa siyang dala sa kanyang puso’t isipan na tuparin ang kanyang mga pangarap.

1 comment:

  1. Hello. I am John. I have read your blog and I found it nice. Thank you for giving me an idea in making a class prophecy. I assure that you will be acknowledge in behalf of mine.

    ReplyDelete